👶 Ang bawat bata ay may karapatang lumaki nang malusog at maabot ang kanilang potensyal. Pero sa Pilipinas, marami pa ring mga bata ang nakararanas ng stunting o pagkabansot na tinatawag ding chronic malnutrition, isang kondisyon na dulot ng pangmatagalang kakulangan ng tamang nutrisyon na nagpapabagal sa kanilang paglaki. Nililimitahan ng stunting hindi lamang ang pagtangkad kundi pati ang pag-develop ng utak, kakayahan sa pag-aaral, at maging ang kanilang kalusugan at kabuhayan pagtanda. Ang magandang balita? Maiiwasan ang pagkabansot sa pamamagitan ng wastong nutrisyon, sapat na kalinga, at akses sa masustansyang pagkain, serbisyong pangkalusugan, malinis na tubig at sanitasyon, at mga social proection program sa #First1000Days mula pagbubuntis hanggang ikalawang kaarawan ng bata. #NutritionMatters #ForEveryChild #WorldFoodDay
-
-
-
-
-
+4